Matthew 10:1-4

Ang Labindalawang Apostol

(Mar. 3:13-19; Luc. 6:12-16)

1Tinawag ni Jesus ang kanyang 12 tagasunod
12 tagasunod: Sila rin ang tinatawag na 12 apostol.
at binigyan sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng anumang sakit at karamdaman.
2Ito ang mga pangalan ng 12 apostol: si Simon (na kung tawagin ay Pedro), na siyang nangunguna sa kanila, si Andres na kanyang kapatid, si Santiago at si Juan na mga anak ni Zebedee, 3si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeus, si Tadeus, 4si Simon na makabayan,
makabayan: Si Simon ay naging kabilang sa grupo ng mga Judiong lumalaban sa mga taga-Roma.
at si Judas Iscariote na siyang nagtraydor kay Jesus nang bandang huli.

Copyright information for TglASD